Sugatan ang dalawang sundalo at tatlong sibilyan sa sa pagpapasabog ng granada ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa sentro ng Shariff Aguak sa Maguindanao del Sur nitong Sabado ng umaga.
Kinilala ang mga biktima na sina Cpl. Jessie Jay Bulanay at Cpl. Arnel Calapan, ng 4th Scout Ranger Company ng 2nd Scout Ranger Battalion ng Philippine Army; tatlong civilians na sina John Dave Usman Santiago, Bassir Amban Batong at Pamiya Upam Bulingkif.
Sakay ng military KM 450 vehicle ang mga tropa ng 4th Scout Ranger Company ng hagisan ng granada ng isa sa dalawang mga lalaking magkaangkas sa motorsiklo. Masuwerteng hindi umabot sa cargo deck ng military vehicle ang granada, bumagsak sa sementong highway at sumabog malapit sa kinaroroonan ng tatlong inosenteng civilians na nasugatan sa insidente.
Ang tropa ng 4th Scout Ranger Battalion na target ng grenade attack, patungo sana sa Isulan, ang kabisera ng Sultan Kudarat province, para mamalengke, ayon sa officials ng 6th ID sa Camp Siongco sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Nagtutulungan ang mga units ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region at ang 6th Infantry Division sa paghanap sa dalawang pinaniniwalaang kabilang sa ilang mga natitira na lang na mga miyembro ng nabuwag ng Dawlah Islamiya.
Agad na nakatakas ang mga salarin gamit ang motorsiklo matapos magpasabog ng fragmentation grenade sa isang bahagi ng Cotabato-Isulan Highway sa Población ng Shariff Aguak.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
