Na-relieved na sa pwesto ang dalawang personnel ng Philippine National Police (PNP) na sangkot sa umano’y pagtulong na aregluhin ang kaso ng mga pulis na sangkot sa kaso ng missing sabungeros.

Nabatid na lumantad nitng Miyerkoles ang pamilya ng mga missing sabungeros kung saan isiniwalat nila na may dalawang pulis mula sa Crame ang sumundo sa kanila at nagpapasok sa kanila sa loob ng custodial facility kung nasaan ang mga pulis na akusado sa nasabing kaso.

Ayon kay Highway Patrol Group (HPG) Director PBGen. Rommel Batangan, ang pagsundo at pagdala sa pamilya ng missing sabungeros sa custodial facility sa Crame ang naging partisipasyon lamang ni PLt. Nadame Malang sa nasabing insidente.

Samantala ayon naman sa director ng Headquarters Support Service na si BGen. Manuel Abrugena, kinumpirma ng kanilang tauhan na si Police Major Reynaldo Pañebe na may mga taong bumibista sa mga nasabing PUPCS ngunit hindi niya pa ito pinapangalanan.

Ayon kay Abrugena, may mga records naman sila sa mga lumalabas pasok sa loob ng custodial facility at iniipon na nila ito bilang ebidensya para sa gagawing imbestigasyon.

Sa ngayon ang mga nasabing personnel ay naka-floating status sa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) sa Camp Crame.

Share.