Nasawi ang dalawang pulis na kasapi ng Regional Mobile Force Battalion 12 ng Police Regional Office 12 sa ambush sa Barangay Tinumigues sa bayan ng Lambayong sa Sultan Kudarat nitong Martes ng gabi, July 7.
Kinilala ang mga biktima na sina Patrolman Apollo Morante Pagurayan at Patrolman Joerel Basilan Bullos.
Sa mga hiwalay na ulat nito ring Martes ng gabi ng municipal officials at ni Major Leonel Delasan, acting chief ng Lambayong Municipal Police Station, magkaangkas sa isang motorsiklo ang mga biktima, na parehong naka-uniporme ng combat fatigues, ng tambangan ng mga lalaking armado ng M16 assault rifles na naka-pwesto sa gilid ng highway sa Barangay Tinumigues.
Namatay agad sa mga tama ng bala mismo sa ambush site si Pagurayan. Pumanaw naman si Bullos sa ospital kung saan siya dinala ng mga barangay emergency responders at kapwa nga pulis na nagresponde sa insidente upang malapatan sana ng lunas.
Miyembro sina Pagurayan at Bullos ng mga tropa ng 1202nd Company ng Regional Mobile Force Battalion 12, isang rapid deployment unit ng PRO 12. Ang 1202nd Company ng RMFB 12 may mga tropa na nakadestino sa Lambayong at mga karatig na bayang sakop ng Sultan Kudarat, isa sa apat na mga probinsya sa Region 12
Mabilis na nakatakas ang mga nag-ambush kina Pagurayan at Bullos, pinaghahanap na ng mga magkasanib na mga pulis at mga tropa ng mga units sa Sultan Kudarat ng 6th Infantry Division ng Philippine Army.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan
