Inaresto ang dalawang aktibong pulis matapos umanong mamaril at makasugat ng isang 38-anyos na lalaki sa Sitio Lumboy, Barangay Indahag sa Cagayan de Oro City noong Lunes ng gabi.
Ayon sa Cagayan de Oro City Police Office (COCPO), kapwa nakatalaga sa City Mobile Force Company ang dalawang pulis, isang Police Executive Master Sergeant at isang patrolman.
Nagtamo ng tama ng bala sa itaas na bahagi ng hita ang biktima at isinugod sa ospital. Nasa stable condition na umano ito.
Matapos ang insidente, natunton ng mga awtoridad ang dalawang pulis sa Indahag Border Control Point. Kinumpiska rin ang kanilang service firearms para sa imbestigasyon. Ayon sa police investigators, positibong itinuro ng isang testigo ang isa sa kanila bilang umano’y bumaril.
Tiniyak ni COCPO director Col. Dexter Paje na hindi kukunsintihin ng pulisya ang anumang kriminal na gawain ng kanilang mga tauhan.
Nakatakdang harapin ng dalawang pulis ang kaukulang criminal at administrative proceedings kaugnay ng insidente.
====
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

