Nasawi ang dalawang Pilipinong marino at labing dalawa ang sugatan matapos ang pag-atake ng mga drone sa mga cargo ship sa hilagang Black Sea, ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Cacdac nitong Lunes.
Ayon kay Cacdac, as of July 20, siyam na barkong may sakay na mga marinong Pilipino ang napaulat na inatake habang dumaraan o nakadaong sa mga pantalan sa southern Ukraine dahil sa drone strikes.
“We are sad to report that there have been two fatalities out of these attacks, 12 injured, and one missing,” ani Cacdac sa isang press briefing.
Patuloy namang mino-monitor ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipinong marino.
Apat aniya sa 12 sugatang marino ang na-repatriate na, habang natukoy na rin ang pagkakakilanlan ng isa sa mga nasawi na iniulat na nangyari noong Hulyo 6 o 7. Nakipag-ugnayan na rin ang DMW sa pamilya ng nasawing marino.
Sinabi ni Cacdac na nagpapatuloy ang medical treatment, pagbibigay ng suporta, evacuation, at repatriation arrangements para sa mga apektadong tripulante.
====
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
