Nasawi ang dalawang katao at lima ang sugatan nang masangkot sa isang salpukan ang isang truck at tricycle sa Barangay New Rizal, M’lang, North Cotabato, noong Sabado ng gabi, Agosto 8.
Kinilala ang mga nasawi bilang driver ng tricycle na si Jovito Autillo Jr. at pasaherong si Yulanda Paris Cordero.
Kapwa idineklarang dead on arrival sa ospital matapos ang insidente.
Samantala, lima pang indibidwal ang nagtamo ng mga pinsala at isinugod sa pagamutan para sa kaukulang atensiyong medikal.
Nasa kustodiya na ng M’lang Municipal Police Station ang driver ng truck habang isinasagawa ang imbestigasyon upang matukoy ang eksaktong sanhi at pangyayari sa likod ng aksidente.
Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang iba pang detalye ng insidente.
===
Trending
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet
- Topacio at Ogei bati na
- Netizens kinulit si Pia
- Carlos Yulo target na makamit ang unang gintong medalya sa Asian Games
- Alex Eala paldo ng $5.5M kung magrereyna sa US Open
- Faith healer patay sa saksak habang tulog
- 2 patay, 4 sugatan sa salpukan ng SUV at trak

