Napaulat na nawawala ang dalawang bata matapos ang landslide na nagresulta sa pagguho ng isang bahay sa gilid ng ilog sa Calamba City, Laguna nitong Linggo ng hapon, Hulyo 19
Nagkasa ang City Disaster Risk Reduction and Management Division ng search, rescue, and retrieval operation kasunod ng report ng trahedya sa Barangay Mapagong.
Dahil umano ang insidente sa biglang pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog dahil sa malakas na pag-ulan.
Natukoy ang nawawalang mga bata na edad 9-anyos na babae at 7-anyos na lalaki.
Hindi na nagbigay pa ng impormasyon ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng mga bata ngunit napaulat din na ang mga ito ay magkapatid.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
