Nasawi ang dalawang katao sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Daang Tubo, Barangay Malanday, San Mateo, Rizal.
Ayon sa Bureau of Fire Protection at San Mateo Municipal Fire Station, nagsimula ang sunog bandang alas-dose ng tanghali at idineklarang fire out 12:31 ng tanghali noong Lunes, Mayo 4.
Agad na rumesponde ang MDRRMO ng San Mateo katuwang ang Bureau of Fire Protection at iba pang ahensya ng pamahalaan upang apulahin ang apoy at magsagawa ng paunang imbestigasyon.
Kinumpirma ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na ang dalawang indibidwal na una nang napaulat na nawawala ay kapwa nasawi sa insidente.
Aabot sa apat hanggang anim na kabahayan ang naapektuhan ng sunog, habang tinatayang 10 pamilya ang apektado.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng sunog.
Samantala, nagpaabot na ng agarang tulong ang lokal na pamahalaan ng San Mateo sa mga pamilyang naapektuhan.

Share.
Exit mobile version