Sugatan ang labimpitong katao, kabilang ang driver, nang nasugatan mawalan ng preno ang isang pampasaherong jeep at bumangga sa bus, poste ng kuryente at konkretong bakod ng isang bahay sa Barangay Roosevelt, Dinalupihan noong Martes ng gabi.
Batay sa paunang imbestigasyon, nangyari ang aksidente 7:00 ng gabi sa pababang bahagi ng Jose Abad Santos Avenue.
Galing Olongapo City ang jeep na puno ng mga pasahero nang pumara ang isa sa kanila upang bumaba. Tinapakan umano ng driver ang preno, ngunit pumalya ito kaya nawalan siya ng kontrol sa sasakyan.
Tinangka pa ng driver na iwasan ang isang Victory Liner bus na nakahinto upang magsakay at magbaba ng mga pasahero, ngunit nasalpok pa rin ng jeep ang likurang bahagi nito. Sunod nitong nabangga ang isang poste ng kuryente na may transformer bago humampas sa konkretong bakod ng isang bahay.
Dahil sa lakas ng impact, tumagilid ang poste at nasira ang bakod.
Isinugod sa pagamutan ang mga sugatang pasahero at driver na nagtamo ng mga sugat at galos. Wala namang nasawi sa insidente.
Maaaring maharap ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property at multiple physical injuries.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
