Arestado ang 14 na South Korean national na nagpapatakbo ng isang illegal back-office facility sa Angeles City, Pampanga, ayon sa Bureau of Immigration (BI).
Ayon sa BI, isinagawa ang operasyon noong Hulyo 1 ng mga tauhan ng BI Intelligence Division Special Response Team na nagresulta sa pagkakaaresto sa 13 lalaki at isang babaeng Korean.
Nag-ugat ang operasyon sa mga intelligence report hinggil sa mga Korean national na umano’y ilegal na nagtatrabaho sa isang condominium complex sa Barangay Pampang, Angeles City.
Sumailalim sa beripikasyon at dokumentasyon ang mga dayuhan matapos makitaan ang mga ito ng mga indikasyon na mayroon silang pinagkakakitaang trabaho habang nasa bansa.
Dinala sa BI Main Office ang 14 Korean national para sa booking, biometric registration, records verification, at kaukulang immigration proceedings.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong saklaw ng operasyon at ang posibleng paglabag sa immigration laws, ayon pa sa BI.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

