Nasa 104 katao ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group (ACG) kaugnay sa iba’t-ibang online offenses.
Sinabi ng PNP na naaresto ang mga ito sa pamamagitan ng entrapment operations at pagsisilbi ng mga warrant.
Inirefer din ng ACG ang paghahain ng 209 cybercrime cases at nagsagawa ng 108 cyber warrants, 2,196 cyber patrol activities, at nakapagkumpleto ng 77 digital forensic examinations.
Nagresulta rin ang mga operasyong ito sa pagkakasagip sa 19 biktima at pagpapanagot sa siyam na may-sala.
Iginiit naman ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., ang kahalagahan ng pananatiling handa sa nagbabagong cyber threats.
“Sa panahon ngayon na halos lahat ay konektado na online, mas pinalalakas natin ang ating kakayahan para protektahan ang publiko laban sa mga krimeng nangyayari sa digital space. Hindi tayo titigil sa paghabol sa mga lumalabag sa batas,” aniya.
“We remain committed to building a secure and trustworthy online environment. Our message is clear – those who exploit technology to harm others will be held accountable, while we continue to safeguard victims and support their path to justice,” sinabi pa ni Nartatez.
Siniguro naman ng PNP chief sa publiko na palalakasin pa ng pulisya ang cyber capabilities nito, pagpapalakas sa koordinasyon sa partner agencies at pagpapanatili ng proactive operations.
Trending
- Michelle, nawiwindang sa Ms U!
- Pagpapalabas ng ‘Love, NGO,’ pinayagan na ng MTRCB
- Regine, sumailalim sa voice treatment
- Cargo firm kinasuhan sa 36K inabandonang balikbayan box
- Gawad Kalinga founder Tony Meloto inaresto sa Bulacan
- SPED program ng DepEd hihimayin sa Kamara
- NBI pinag-aaralan pag-subpoena sa misis ni Bato
- Pamilya ng missing sabungeros, nagsampa ng obstruction of justice vs abogado ni Atong Ang
