Aabot sa humigit-kumulang 100 puno ng niyog ang naapektuhan ng pag-atake ng peste sa Tayabas City, Quezon, na nagdulot ng pangamba sa mga magniniyog at posibleng pagbaba ng produksyon ng kopra sa lugar.
Ayon sa ulat, tinamaan ng coconut rhinoceros beetle o “uwang” at Asiatic palm weevil ang mga niyugan sa Barangay Ibabang Nangka.
Kabilang sa mga nakitang epekto ang pagkasira ng mga dahon at bunga, pagbagsak ng mga palapa, at pagkakaroon ng mga lungga sa katawan ng puno na mga senyales ng matinding pinsala na maaari pang ikamatay ng mga punong niyog kapag hindi naagapan.
Dahil dito, nagbabala ang mga awtoridad sa posibleng pagkalat ng infestation sa iba pang coconut-growing areas sa lalawigan, na maaaring magdulot ng mas malawak na epekto sa kabuhayan ng mga magsasaka.
Agad namang kumilos ang Coconut Development Division ng Office ng Provincial Agriculturist–Quezon at nagsagawa ng pest surveillance upang masuri ang lawak ng pinsala.
Namahagi rin ng pestisidyo sa mga apektadong lugar at pinaigting ang monitoring, habang pinayuhan ang mga magniniyog na bantayang mabuti ang kanilang mga taniman at agad iulat ang anumang senyales ng panibagong pag-atake ng peste.
Umaasa ang pamahalaan na sa maagap na aksyon at pakikiisa ng mga magsasaka, mapipigilan ang tuluyang paglala ng infestation sa mga niyugan sa Quezon.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

