Inanunsiyo ng Cebu Provincial Health Office (PHO) ang pagkakatala ng 10 bagong kaso ng HIV sa mga batang edad 15-anyos pababa, kabilang ang isang 12-anyos na nagpositibo sa sakit.
Ayon kay PHO Health Education and Promotion Officer Wilfredo Salgado, isinapubliko ang datos upang mabigyang babala ang publiko at makapaglunsad agad ng mga kinakailangang hakbang at interbensiyon upang mapigilan ang pagdami ng kaso.
Batay sa datos ng PHO, mula Enero hanggang Nobyembre 2025 ay may 390 naitalang kaso ng HIV sa Cebu, kung saan 70% ng mga pasyente ang nananatiling sumasailalim sa gamutan. Sa Tri-Cities naman ng Mandaue, Lapu-Lapu at Cebu City, umabot sa 954 ang naitalang kaso.
Dahil dito, nanawagan ang PHO at Cebu Pride Movement sa publiko na magpasuri sa mga pagamutan ng pamahalaan at agad na magpakonsulta kung kinakailangan.
Trending
- Tubig ng Angat Dam, bahagyang tumaas dahil sa LPA
- P10.2m shabu nasamsam sa bebot sa Iligan City
- Paslit, 2 pa patay sa banggaan
- 77-anyos, patay sa kuyog ng mga bubuyog sa Leyte
- Ex-bgy. secretary binaril sa labas ng bahay
- Perjury, cyber libel cases vs Baligod, 18 ‘maleta boys’
- Defensor, Espiritu humirit ng piyansa sa plunder case
- Imee Marcos nahalal na Senate Deputy Minority Leader
