Nasawi ang isa sa mga nominado ng Kabataan partylist kasama ng 19 indibidwal sa naganap na engkwentro ng militar sa mga miyembro ng NPA noong Abril 19, 2026.
Kinilala ang nasawi na si RJ Nichole Ledesma, isang writer at editor ng Paghimutad-Negros at regional coordinator ng Altermidya sa Negros Island, 30, residente ng Bacolod City, 7th nominee ng Kabataan party-list noong 2022 at dati ring chairperson ng League of Filipino Students (LFS) sa Bacolod.
Ayon sa news organization na Altermidya Network, regional coordinator at writer nila si Ledesma.
“He was in the area doing community work and immersion reporting on the effects of renewable energy projects… on vulnerable farmer communities,” ayon sa Altermidya.
Sa parehas na engkwentro, nasawi rin ang mga umano’y lider ng NPA sa nasabing probinsya na sina Roger Fabillar, alias “Tapang,” Rene Villarin Sr., Glenmar Bacusmo, Pedro Bunghanoy at alyas Panes.
Samantala, kinilala na ng Philippine National Police (PNP) ang lima pa sa 19 na nasawi sa magkakasunod na engkuwentro sa Toboso, Negros Occidental noong Linggo, Abril 19, 2026.
Ayon sa Police Regional Office–Negros Island Region (PRO NIR), nagtatag ito ng Special Investigation Task Group upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga narekober na bangkay sa pamamagitan ng forensic examination, dokumentasyon, koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan, at pakikipag-ugnayan sa mga kaanak.
Nauna nang iniulat ng Philippine Army na 19 umano’y NPA members ang napatay sa operasyon ng 79th Infantry Battalion sa Barangay Salamanca, Toboso.
Noong Miyerkules, kinumpirma ng PRO NIR na anim sa mga nasawi ang positibong nakilala at na-claim na ng kani-kanilang pamilya. Kabilang dito sina Rene Villarin Sr., alyas Kumader Pikot, 58, ng Calatrava; Roger Fabillar Tapang, alyas Jhong o Arnel, 36, ng Toboso; Ruel Sabillo, 19, ng Toboso; Sonny Boy Manayon Caramihan, 28, ng San Carlos City; Pedro Agustin Bonghanoy, 32, ng Escalante City; at Arnel Mahilum Javoc, 32, ng Calatrava.
Ayon kay PRO NIR Director Brig. Gen. Arnold Thomas C. Ibay, ang pagkakakilanlan at pag-release ng mga labi, sumasalamin sa kanilang pagtupad sa propesyonalismo at pagsasaalang-alang sa aspetong humanitarian, habang patuloy na ginagampanan ang tungkulin sa ilalim ng batas at may malasakit sa mga pamilyang naapektuhan.
Patuloy pa ang pagsisikap ng mga awtoridad upang matukoy ang natitirang mga nasawi, kasabay ng pagpapatunay ng mga rekord at isinasagawang medico-legal at forensic documentation. Ayon sa PRO NIR, isinasagawa rin ang maayos na pag-release ng mga labi kapag kumpleto na ang dokumentaryo at legal na kinakailangan.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

