Pilay ang It’s Showtime kapag absent si Vice Ganda.
Noong minsan ay ilang araw siyang wala sa IS dahil sa kanyang concert sa Amerika.
Malaki ang naging epekto ng pansamantalang pagkawala ng TV host—apektado ang ratings ng show.
As a result, ang mas nakikinabang tuloy rito ay ang katapat na Eat Bulaga.
Lumipat na raw ang viewers ng Showtime sa EB. Ganoon?
So, paano na lang kung mapadalas ang pag-absent niya sa show?
Anyway, baka tuluyan nang nagsi-sink in sa Dabarkads na “weather-weather” lang talaga ’yan.
Who would have thought na ang unkaboggable ding Eat Bulaga is now poor second to Showtime?
But that is for as long as Vice Ganda is around.
Sa aminin man o hindi ng ibang mga hosts doon, it’s Vice Ganda who’s running the show.
Trending
- John Cena, tinalampak ‘TikToker’ na nangharana sa kaniya sa isang cafe
- Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!
- Award-winning actress Sue Prado pumanaw @ 44
- 1st death anniv ni Ate Guy ipinagdiwang
- Viewers ng Showtime, lumilipat sa Eat Bulaga ‘pag wala si Vice
- PBBM, nangakong wawakasan ang gutom sa bansa bago matapos ang termino
- Malacañang, nilinaw na walang direktang deal ang bansa sa Petronas para sa diesel shipment
- Over-importation ng asukal pinatatalupan
