Nakamit ng dating action star na si Victor Neri ang kanyang Juris Doctor degree sa University of Bohol sa edad na 49.
Nag-trending online ang graduation photos ng aktor matapos i-share ng isang Leah Tirol Magno.
Matapos magbabu sa showbiz noong 2007, naging chef-restaurateur si Victor.
Nagtapos siya ng Culinary Arts mula sa Le Cordon Bleu sa Bangkok, Thailand at nagmay-ari ng restaurant na Sauté.
Si Neri ay nagsimula bilang matinee idol at bahagi ng unang batch ng Star Circle (ngayo’y Star Magic).
Noong ‘90s ay nakilala siya bilang action star.
Ilan sa mga pelikula niyang tumatak sa masa ang “Notoryus”, “Suspek” at “Ex-Con”.

