Patay ang isang buntis at anak nito, habang sugatan ang 7 kadete ng isang Maritime School sa naganap na aksidente nang mawalan ng preno ang isang close van truck sa kahabaan ng Maap Road Sitio Maruna Brgy, Alas-asin sa bayan ng Mariveles Bataan Sabado ng hapon, Abril 18, 2026.
Sa inisyal na report ni Bataan PNP Provicnial Director, PCol.Marites Salvadora, nasawi sa aksidente ang 32-anyos na buntis; at anak nito na si Kat Mejes, 11-anyos, kapwa residente sa nabangit na Sitio; habang sugatan ang 7 kadete ng Maritime Academy of Asia and the Pacific makaraang mahagip ng humahagibis na truck.
Base sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad sinagasaan ng close van truck ang mga bahayan sa gilid ng kalsada, at isang tricycle nang mawalan umano ng preno.
Nabatid na nakatalon mula sa truck ang driver na nakilalang si alyas Burnok, nasa hustong gulang.
Samantala, mabilis namang nakaresponde ang mga rescue responders ng Bataan at agad naisugod sa pagamutan ang mga sugatan na biktima.

Share.
Exit mobile version