Inaresto ang isang SUV driver nang suntukin ang isang traffic enforcer sa Iloilo City dahil sa pagtatalo tungkol sa illegal parking noong Agosto 5, 2026.
Makikita sa dashcam video ang suntukan ng driver at ng 61-anyos na traffic enforcer na si Chris sa Quezon Street, Barangay Ed Ganzon, 10:00 ng umaga. Napigilan lamang ang away nang awatin sila ng mga bystander.
Ayon kay Chris, nag-double park ang SUV at hindi sumunod sa paulit-ulit na utos na ilipat ang sasakyan. Minura rin umano siya ng driver bago siya sinuntok nang hingin niya ang lisensya nito.
Sinabi ng driver sa pulisya na pinag-initan umano siya dahil may iba ring nakaparadang ilegal na hindi nasita. Ngunit ayon sa pulisya, hindi ito dahilan upang manakit.
Nahaharap ngayon ang driver sa mga kasong direct assault at disobedience to a person in authority.
Samantala, sinabi ng Iloilo City Traffic and Transportation Management Office na magsasampa ito ng reklamo laban sa mga abusadong motorista at patuloy na ipapatupad ang maximum tolerance at zero tolerance sa maling asal ng kanilang mga tauhan.
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet
