Nasawi ang isang guro sa Madrasah, o Islamic school sa mga tama ng bala na tinamo ng pagbabarilin sa Muslim Village sa Bangkal sa Barangay Talomo sa Davao City Linggo ng gabi, Agosto 16.
Kinilala ang napaslang na si Earl Abdul Raham Luardo Espina, 58-anyos, Muslim missionary, residente ng lugar at guro sa isang Madrasah sa naturang lugar.
Sa report, naglalakad ang biktima sa isang lugar sa Muslim Village ng lapitan ng isang lalaki at binaril ng ilang ulit gamit ang .45 caliber pistol.
Ayon sa Davao City Police Office (DCPO), patuloy ang follow-up investigation upang matukoy ang gunman at motibo sa pagpatay.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nakarinig ng sunod-sunod na putok ang mga residente bago nakitang duguan at nakahandusay sa kalsada ang biktima. Limang beses umano itong binaril.
Base sa ulat, kagagaling lamang ng biktima sa mosque matapos magdasal nang tambangan ito ng isang lalaki.
“Until now, we are still conducting follow up investigation especially unidentified ang suspect,” ani DCPO spokesperson Police Major Ma. Teresita Gaspan.
Wala pang inilalabas na impormasyon ang pulisya hinggil sa posibleng pagkakakilanlan ng salarin o dahilan sa likod ng pagpatay.
Nakapulot ng limang basyo ng bala ng .45 caliber pistol sa crime scene ang mga police forensic expert at nagsagawa ng pagsisiyasat sa krimen.
=====
Trending
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet
- Topacio at Ogei bati na
- Netizens kinulit si Pia
