Patuloy na pinatatatag ni Sunshine Cruz ang kanyang katawan habang hinaharap ang Myasthenia Gravis (MG), isang autoimmune disease na nakaaapekto sa mga voluntary muscles ng katawan.
Sa kanyang latest Instagram post, ipinakita ng aktres ang kanyang workout routine na bahagi ng pagsisikap niyang manatiling malakas at functional sa kabila ng kanyang kondisyon.
Ayon kay Sunshine, regular siyang nag-eehersisyo at nakikita niya ang magandang epekto nito sa kanyang katawan.
Gayunman, aminado siyang patuloy pa ring nagiging hamon sa kanya ang MG dahil naaapektuhan nito ang kanyang mga mata, leeg at paghinga, pati na ang kanyang pagkanta.
“I’m currently lifting 3–4 times a week and feeling better than I have in a long time. Myasthenia Gravis still presents its hurdle impacting my eyes, neck, breathing and even taking away my ability to sing,” pahayag niya.
Sa kabila nito, pinipili pa rin ni Sunshine na maging positibo at ituon ang pansin sa mga bagay na ipinagpapasalamat niya.
“But I choose gratitude. Having the physical strength to maintain my routine and function every day is a huge blessing,” saad ng aktres.
Matatandaang noong March 2025 ay unang ibinahagi ni Sunshine na na-diagnose siya ng Myasthenia Gravis.
Dahil dito, naging limitado rin ang pagtanggap niya ng mga proyekto upang mas mabigyang-pansin ang kanyang kalusugan.
Bagama’t nakagawa pa rin siya kamakailan ng isang taping para sa guesting, sinabi ng aktres na hindi niya kayang harapin ang sunod-sunod at mabibigat na trabaho dahil kailangan niyang isaalang-alang ang kanyang kondisyon.
=====
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet
