Sinibak sa puwesto ang commander at 8 pulis ng Taguig Police Station ni National Capital Regional Police Office Chief BGen Anthony Aberin na ‘di umano pinasok ang isang bahay ng walang search warrant sa Taguig City.
Ang pagsibak sa puwesto ng mga nasabing pulis, upang bigyaan daan ang isasagawang impartial at komprehensibong imbestigasyon kaungay ng nasabing insidente na nag-viral sa social media.
Ayon kay Aberin, hindi umano niya kukunsintihin ang mga pulis na mapapatunayan lumalabag sa mga karapatan pangtao at mga gumagawa ng mga katiwalian.
“There is no room for abuses in NCRPO and we will ensure that justice will be served,” wika nito.
Tiniyak rin ni Aberin sa publiko na sumusunod ang NCRPO sa mga itinatakda ng batas ang transparency at professionalism.
Dinis-armahan ang mga nasabing pulis habang isinagawa ang imbestigasyon.
Sa nag-viral na video na dumating ang mga ilang mga pulis mula sa “block 5 at pinasok ang isang bahay ng walang ipinakikitang “warrant of arrest” upang arestuhin ang isang babae na inaakushan ng iligal na droga sa Taguig City.
Makikita rin na itinutulak at hinatak ang ilang miyembro ng pamilya ng ilang mga pulis at pagsira sa CCTV.