Nalampasan na ng “Spider-Man: Brand New Day” ang P1 bilyong kita sa Philippine box office makalipas lamang ang 12 araw ng pagpapalabas nito sa mga sinehan.
Sa pahayag ng local distributor na Columbia Pictures Industries, Inc., umabot na sa P1,055,450,905 ang kinita ng pinakabagong pelikula sa Marvel superhero franchise.
Nanguna sa listahan ng mga sinehang may pinakamalaking kinita ang SM Megamall na umabot sa P23,193,075, sinundan ng Power Plant Cinema na may P22,234,129 at Ayala Malls Cinemas Trinoma na may P20,678,204.
Kasama rin sa top 10 highest-grossing cinemas ang SM Mall of Asia (P20,649,135), SM North EDSA (P19,239,413), SM Fairview (P17,848,767), Robinsons Galleria Cinema (P17,484,829), Gateway Cineplex 18 (P14,889,742), Robinsons Antipolo Cinema (P13,980,960), at SM Seaside Cebu (P13,966,220).
Nagsisilbing hudyat ang pelikula sa nalalapit na pagpapalabas ng “Avengers: Doomsday” sa Disyembre.

Share.
Exit mobile version