Mahigit 300 pulis ang ipinakalat ng Southern Police District (SPD) sa paligid ng Senado sa Pasay City upang tiyakin ang seguridad sa lugar.
Ayon kay SPD Director Brig. Gen. Glenn Oliver Cinco nitong Martes, kabuuang 343 personnel ang idineploy, kabilang ang mga mula sa Civil Disturbance Management contingent, Special Weapons and Tactics (SWAT), at Tactical Motorcycle Riding Unit.
Ang deployment ay kaugnay umano ng mga programa at kilos-protesta na isinasagawa ng mga tagasuporta ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, na humaharap sa warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).
Magpapatupad umano ang pulisya ng maximum tolerance, ngunit nagbabala ito na hindi sila mag-aatubiling mang-aresto ng sinumang lalabag sa batas o mananakit ng kapwa.
Si Dela Rosa, na dating Davao City police director at chief ng Philippine National Police (PNP), ay isa sa mga tinukoy na co-perpetrators sa kampanya kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang nasa kustodiya na ng ICC.
Matatandaang uminit ang tensyon sa Senado noong Lunes matapos umanong habulin ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) si Dela Rosa sa loob ng gusali upang isilbi ang naturang warrant.
Trending
- Wala pang timeline para sa pagbalik ni Scottie Thompson
- 4 arestado sa anti-illegal mining sa Surigao
- Ginang tinadtad ng saksak sa harapan ng anak ng kawatan
- Empleyado ng Cauayan Airport, huli sa bomb joke
- 17 ‘missing’, 45 nasagip sa lumubog ang barko ng Vietnam sa West Philippine Sea
- 4-anyos, patay; 7-anyos sugatan sa sunog sa Talisay
- 6 raliyista inaresto sa vandalism bago ang 5th SONA ni PBBM
- 3 na patay, higit 285,000 apektado kay Kiyapo
