Target ng Department of Education (DepEd) na makapaglagay ng solar panels sa bubong ng mga pampublikong paaralan pagsapit ng 2027 para makatipid sa kuryente.
Ang pahayag na ito ni DepEd Secretary Sonny Angara nitong Huwebes, Abril 16 ay nang tanungin siya kung ano ang contingency measures para sa pampublikong paaralan kung lumawig pa hanggang Hunyo ang national energy emergency.
“We’re studying the possibility of solarizing our public schools. We see long-term benefits in installing solar panels on school rooftops,” ani Angara.
Sinabi pa niya na makatutulong ang solarization sa mga paaralan sa hakbang para magtipid sa enerhiya at sinabing marami na ring mga ahensya ng pamahalaan ang naglagay ng solar panels sa kanilang mga gusali.
Sa kabila nito, sinabi ni Angara na walang budget ang ahensya para sa solarization ngayong taon ngunit maglalaan para rito sa mga susunod na taon.
“We don’t have a budget for that actually. Unless we have savings or we get it from the maintenance funds. So realistically speaking, if we’re looking at doing it on a large scale, maybe we can do it next year,” ayon kay Angara.
Samantala, sa kabila ng national energy emergency, plano pa rin ng ahensya ang pagpapatupad ng face-to-face classes sa pasukan sa Hunyo.

Share.
Exit mobile version