Patay ang isang sibilyan na empleyado sa isang police station nang tambangan sa Sultan Kudarat sa Maguindanao del Norte.

Nakasakay sa kaniyang motorsiklo ang biktimang si Jonathan Juan ng pagbabarilin ng hindi kilalang suspek nitong Sabado, Agosto 22.

Sinabi ni Capt. Steffie Salanguit, tagapagsalita ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, na si Juan ay isang non-uniformed staff member ng Sultan Kudarat Municipal Police Station.

Agad itong nasawi dahil sa matinding tama ng bala habang ang mga suspek ay mabilis na tumakas.

Share.
Exit mobile version