Natanong ng ilang mambabatas sa sesyon ng Senado nitong Lunes, Setyembre 14, kung nasaan ang mga naturalized player ng pambansang koponan kasunod ng maagang pagkakatanggal ng defending champion na Gilas Pilipinas sa 2026 Asian Games.

Inihayag ni Senate Committee on Sports Chairman Senator Bong Go na nakakalungkot at nakapanghihinayang na hindi man lang nakalaro sa nagpapatuloy na Asiad ang mga tulad ng basketball pro na si Bennie Boatwright.Gamitin Ang Kalendaryo

Binigyang-diin ng senador na minadali pa naman ng Senado ang pagpasa sa naturalization ni Boatwright sa pamamagitan ng isang special session upang umabot sana sa mga pangunahing torneo ng bansa.

“Sabi ko, nasaan na yung naturalized player natin na minadali nga nating ipinasa rito sponsored by Sen. Kiko Pangilinan. In fact, isa pa nga yon sa reason na nagpatawag ng special session dito sa Senado. Pero nagtataka po tayo kung bakit hindi po naihabol…Nakakalungkot po, sayang,” wika ni Go.

Dahil dito, binanggit ni Go ang posibilidad na gamitin ng Senado ang oversight function nito upang imbestigahan at silipin ang kasalukuyang estado ng mga naturalized athlete sa bansa.Balitang Pilipinas

Ipinaalala ng mambabatas na ang Kongreso ang nagsusulong at nagpoproseso ng batas para sa naturalization ng mga dayuhang atleta, kaya’t nararapat lamang na magkaroon ng malinaw na pananagutan sa paggamit ng kaniyang serbisyo para sa pambansang koponan.

“Sabi ko, nasaan na yung ibang mga naturalized players na ipinasa natin dito na sana makakatulong dahil sila yung malalaki at maaaring makatulong sa atin sa rebound. Isa po ito sa titingnan natin, Mr. President kung sakaling magdinig tayo rito sa Senado. What went wrong? Ano pong nangyari sa mga naturalized players natin na maaaring magamit natin? Dahil ginawa po natin ang trabaho natin dito na maipasa rin po ito,” dagdag pa ng mambabatas.

Share.
Exit mobile version