Nanawagan si Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa ng mapayapang pagsuko kasunod ito ng pagturn-over sa kanyang 20 mga baril.
Nabatid na isinuko ang mga nasabing armas ni Dela Rosa ng kanyang legal representative sa Regional Civil Security 11 sa Davao City noong June 11.
Ito ay matapos bawiin ng Firearms and Explosives Office ang License to Own and Possess Firearms (LTOFP) at Firearm Registrations ni Dela Rosa sa higit 100 mga baril nito.
Ayon kay Nartatez, hindi mababago ng nagpapatuloy nilang operasyon para matunton ang Senador na nahaharap sa International Criminal Court (ICC) warrant ang pag-surrender ng kanyang mga baril.
Dagdag pa ni Nartatez, ang mga operasyon ng pulisya ay mananatiling aktibo at ang mga local units at tracker teams nito ay magpapatuloy sa kanilang coordinated efforts hanggang maisilbi ang warrant kay Dela Rosa.
Trending
- EJ Obiena nagtapos sa pang-anim na puwesto sa Wanda Diamond League
- US Open inanunsiyo na ang kabuuang premyo na ipapamahagi
- Janella Salvador napiling boses ng ‘How Far I’ll Go’ sa ‘Moana’ concert
- Francine Diaz maldita at suplada?
- SB19 concert mapapanood na sa sinehan
- Sanggol patay nang gumapang at mahulog sa irigasyon
- Bagong silang na sanggol inabandona sa ibabaw ng septic tank
- 19 arestado sa paglabag sa election gun ban sa BARMM
