Ibinunyag ni Ryzza Mae Dizon na minsan na siyang muntik matanggal sa “Eat Bulaga” matapos umanong balaking palitan ng dati nilang management.
Sa panayam ni Toni Gonzaga sa “Toni Talks” nitong Linggo, Hunyo 7, emosyonal na ibinalik-tanaw ng dating child star ang panahong unti-unti siyang nabawasan ng exposure sa noontime show kasabay ng alitan noon ng TVJ at dating producer na TAPE Inc.
“Ako ‘yung top 1 po na sure na sure na gusto nilang tanggalin nung dati po naming company [kasi]mayroon pong bata na gusto rin ipasok,” ani Ryzza.
Ayon sa kanya, masakit para sa kanya ang mga nangyari dahil isang beses na lang siya pinapapasok kada linggo at limitado pa ang kanyang paglabas sa programa.
“[Masakit po sa akin] kasi yung time na ‘yon po kasi ‘yun na po ‘yung once a week na lang ako pinapapasok. Tapos sa isang segment lang po pwede lumabas kasi ‘yon ‘yung instruction po sa kanila,” dagdag niya habang pinipigilan ang pagluha.
Mas lalo pa umanong nadagdagan ang kanyang sama ng loob nang malaman niyang mayroon nang batang inihahanda bilang kapalit niya.
“Kasi nandoon na po ‘yung papalit sa akin, tini-train na po. Masakit talaga po kasi pinaghirapan ko ‘to tapos bigla-bigla na lang po aalisin na ganun-ganon lang,” aniya.
Hindi naman pinangalanan ni Ryzza ang batang umano’y nakatakdang ipalit sa kanya.
Sa kabila nito, labis ang kanyang pasasalamat kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon o TVJ dahil ipinaglaban umano siya ng mga ito upang manatili sa programa.
“Hindi naman po kasalanan ng TVJ. Ang pinagpapasalamat ko na lang po doon ay ang pinapasok pa po ako once a week,” sabi niya.
“Sobra rin po talaga ‘yung pasasalamat ko sa TVJ kasi pinaglaban din po nila na hindi ako maalis. Grabe rin po ‘yung assurance na binigay nila sa amin, hindi lang po sa akin kasi parang lahat naman po kami planong alisin, pero ako lang po ‘yung sure na sure na talaga,” dagdag pa ni Ryzza.
Nakilala si Ryzza matapos manalo sa “Little Miss Philippines” noong 2012 sa “Eat Bulaga!” at kalaunan ay naging isa sa pinakabatang co-host ng programa.
====
Trending
- DENR, iimbestigahan ang mga naiulat na earth-balling activities
- PhilHealth, healthcare provider, palalakasin ang Universal Health Care
- 3 tulak tiklo, P13.6m shabu nasamsam sa Zambo
- Salpukan ng 2 trailer trucks: 1 patay
- Bebot huli nang kumubra ng P38m corporate funds
- Tulay sa Maasim winasak ng malakas ng ulan
- Taxi na dugyot, lagot sa LTFRB
- MILF commander pinaulanan ng bala sa loob ng bahay
