Ibinasura ng Office of the City Prosecutor ng Makati ang tatlong
reklamong inihain ni Jasmine Curtis-Smith laban kay Atty. Ferdinand Topacio.
Ito’y ang cyberlibel, cyber unjust vexation at gender-based online sexual harassment.
Sa resolusyon, sinabi ni Assistant City Prosecutor Eileen Abigail Piñera na walang sapat na prima facie evidence para ipursige ang mga kaso.
Hindi umano napatunayang ang mga pahayag ni Topacio ay ginawa para takutin, gipitin o sirain ang reputasyon ni Jasmine.
Bagama’t maaaring nakasakit ang mga komento, hindi nangangahulugang may batas na nilabag.
Hindi din sakop ng fair comment doctrine ang mga opinyong may kaugnayan sa mga usaping pampubliko at sa mga public figure maliban kung mapapatunayang may actual malice o may maling pahayag ng katotohanan.
Matatandaang nag-ugat ang kaso sa mga pahayag ni Topacio sa kanyang radio program noong March 5, 2026.
Kabilang dito ang tungkol sa mga social media posts at bikini photos ni Jasmine, following the issue involving her sister Anne Curtis and Rep. Bong Suntay.
lapela kaya ito ni Jasmine?
Abangan ang susunod niyang hakbang!
===
Trending
- EJ Obiena nagtapos sa pang-anim na puwesto sa Wanda Diamond League
- US Open inanunsiyo na ang kabuuang premyo na ipapamahagi
- Janella Salvador napiling boses ng ‘How Far I’ll Go’ sa ‘Moana’ concert
- Francine Diaz maldita at suplada?
- SB19 concert mapapanood na sa sinehan
- Sanggol patay nang gumapang at mahulog sa irigasyon
- Bagong silang na sanggol inabandona sa ibabaw ng septic tank
- 19 arestado sa paglabag sa election gun ban sa BARMM
