Naghain si Senador Risa Hontiveros ng panukalang batas na magbabawal sa mga paaralan na ipagkait o i-delay ang paglabas ng official student records dahil sa hindi bayad na tuition o iba pang school fees.
Sa ilalim ng Senate Bill 1964 o Right to Student Records Act, hindi maaaring i-withhold ang transcript of records, report cards, diplomas, certificates, at transfer credentials kung hindi pa nababayaran o kulang pa ang bayad sa tuition o school fees kung napatunayang financially incapacitated ang estudyante; kung layunin lamang na pigilan ang paglipat ng estudyante na wala namang utang; at kung diskriminatoryo o retaliatoryong hakbang na labag sa umiiral na batas at regulasyon ang dahilan.
Layunin din ng panukala na magtatag ng student records assistance mechanism para tulungan ang mga estudyanteng may kakulangan sa bayad na makuha ang kanilang records.
Para sa basic education, ang DepEd ang mangangasiwa sa tulong sa pamamagitan ng Government Assistance and Subsidies Office. Sa kolehiyo at technical-vocational education naman, ang UniFAST ang mamamahala sa koordinasyon ng CHED at TESDA.
Bibigyan din ng kapangyarihan ang DepEd, CHED, at TESDA na tumanggap at mag-imbestiga ng reklamo mula sa mga estudyante, magulang, o guardian, at magpataw ng kaukulang parusa gaya ng warning, multa, o suspensyon.
Ayon kay Hontiveros, layunin ng panukala na protektahan ang karapatan ng mga estudyante at tiyakin na hindi sila napipigilan sa pag-aaral o paglipat ng paaralan dahil sa kahirapan sa bayad.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init
