Aabot na sa P200 milyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa habagat, Bagyong Luis, at Bagyong Maymay, ayon sa Department of Agriculture (DA) nitong Martes.
Batay sa patuloy na assessment ng DA regional offices, naitala ang P197.2 milyong halaga ng pinsala sa Ilocos Region, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Western Visayas, kung saan 6,973 ektarya ng agricultural areas ang naapektuhan.
Pinakamalaki ang pinsala sa palay na umabot sa P143.67 milyon. Sinundan ito ng high-value crops na P30.27 milyon, kabilang ang mga gulay, papaya, at saging.
Tinatayang P4.65 milyon naman ang pinsala sa mais, habang umabot sa P16.1 milyon ang pinsala sa irrigation facilities at P2 milyon sa farm structures.
Naitala rin ang P170,000 pagkalugi sa mga alagang hayop tulad ng kambing, baboy, kalabaw, free-range chicken, at pato, habang P90,000 naman ang pinsala sa cassava.
Dahil sa panahon, umabot sa 5,515 metric tons ang production losses at tinatayang 7,989 magsasaka ang naapektuhan, ayon pa sa DA.
===
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet
