PINAMUNUAN ni national rider Shagne Yaoyao ang koponan ng Pilipinas sa isang disenteng pagtatapos sa UCI Class 1 Japan MTB Cup sa Izu kamakailan.

Ang nangungunang babaeng rider ng bansa ay nagtapos sa ikaapat na puwesto sa 20.5kms sa Women Elite race, sa pagtala ng 01:24:44.8 tiyempo.
Si Yaoyao, na nakakuha ng 25 UCI points, ay nasa likod nina two-time Olympian Urara Kawaguchi ng Japan (1:17:41), Sayu Bella Sukma Dewi ng Indonesia (1:19:06) at Yayu Tsai ng Chinese Taipei (1:21:23) sa 15-woman field.

Ang Japan MTB Cup ay nagsilbing bahagi ng paghahanda ng mga Filipino riders para sa susunod na Olympics, kasama ng koponan sina coach Eusebio QuinoƱes at mga opisyal na sina Oscar Rodriguez at Kamilla Sumagui.

Share.