Nagsagawa ng joint greyhound operation ang Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Jail Management and Penology sa San Juan City Jail Female Dormitory dakong alas-5 ng madaling araw.
Pinangunahan ni Acting Warden JINSP Adriana C. Conwi ang operasyon na naglalayong pigilan ang pagpasok at pagkakaroon ng ilegal na droga at iba pang kontrabando sa loob ng pasilidad.
Ayon sa BJMP, bahagi ito ng patuloy na pagsisikap nitong mapanatili ang disiplina, seguridad at kaayusan, gayundin ang kaligtasan at kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty.
Sinabi ng ahensiya na pinalalakas ng pakikipag-ugnayan nito sa PDEA ang mga hakbang upang mapanatiling ligtas, maayos at nakatuon sa rehabilitasyon ang custodial facility.
====
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
