Sa special screening ng pelikulang Spring in Prague ay legit na pinalakpakan ang leading man ng pelikula na si Paolo Gumabao.
Hands down ang entertainment media na present sa nasabing event na magaling si Paolo at dasurv makakuha ng award.
May isang veteran columnist pa ang nagsabi na pang-Hollywood daw ang acting na pinamalas ni Paolo.
Hindi naman ‘yon nakapagtataka dahil galing sa showbiz clan si Paolo.
FYI, si Dennis Roldan ang kanyang ama at kapatid niya sina Marco at Michele. Tiyahin naman niya si Isabel Rivas.
“Dream come true sa akin ang role ko sa pelikula. Isa pa, matagal ko nang pinangarap na gumawa ng pelikula sa ibang bansa,” panimula ni Paolo.
Karamihan kasi sa mga eksena sa pelikula ay kinunan sa Prague, sa Czech Republic.
Aminado naman si Paolo at iba pang cast na sumama sa Prague na malamig aa kanilang napiling location.
“Ang hirap pala mang-English habang nanginginig ang kalamnan mo sa lamig. But it was a wonderful experience,” sabi pa niya.
Sa Prague kasi, they have to shoot in the dead of winter.
Sinabi rin na anv isa sa mga challenges na hinarap nila ay ang pagkuha ng permit to shoot.
Ang leading lady ni Paolo sa pelikula ay isang Czech actress na si Sara Sandeva.
Ayon kay Paolo, naging close naman daw sila ni Sara at inamin niya na inilabas niya ang kanya g leadibg lady sa isang ‘secret place’ sa BGC.
Kasama din sa pelikula sina Marco Gomez, Elena Kozlova, Ynah Zimmerman at iba pa, directed by Lester Dimaranan.
Sa September 5, 2025 ay ipalalabas sa isang fim festival sa Prague ang Spring in Prague.
Trending
- Bagyong Ada, no classes today
- Bagyong Ada, no classes today
- Kris nag-kritikal : Lungs pumalya
- Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika
- Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan
- ₱1.5B Smuggling Bust ng PNP, Patunay ng Mas Mahigpit na Pagpapatupad ng Batas
- Goitia: Hindi Kayang Burahin ng mga Kuwento ng Tsina ang Karapatan ng Pilipinas
- Goitia: Sa West Philippine Sea, Hindi Nire-rebrand ang Soberanya

