Hinamon ni House Committee on Public Accounts Chairman Terry Ridon si Davao City Rep. Paolo Duterte na maglabas ng ebidensya kaugnay ng alegasyon nito na tinatakot ang mga mambabatas na mawawalan ng pondo sa distrito kung hindi susuporta sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Ridon, dapat idaan ng nakababatang Duterte ang kanyang mga reklamo sa tamang forum sa halip na maglabas lamang ng mga pahayag sa social media.
“Maganda patunayan ni Cong. Duterte yung claims na sinasabi niya kasi I think for the last couple of months, wala naman ho siyang ginawa kundi maglabas ng mga pahayag sa kanya pong Facebook account,” ani Ridon.
Kasabay nito, inihayag ni Ridon na inaasahan ng Kamara ang personal na pagdalo at pagdepensa ni Paolo Duterte sa kanyang kapatid sa oras na umakyat na ang impeachment proceedings sa plenaryo sa Lunes, Mayo 4.
Pinuna rin ng mambabatas ang madalas na pagliban ni Rep Duterte sa mga opisyal na gawain ng Kongreso, aniya, hindi nila nakikita ang mambabatas sa mga plenary proceedings o committee meetings kung saan dapat inilalatag ang mga ganitong seryosong usapin.
“Ang in-expect namin ngayong linggo, ipagtatanggol ho niya yung kapatid niya sa plenary proceedings na hindi naman nya ginagawa noon pa,” dagdag pa ni Ridon.
Inaasahang tatalakayin na sa plenaryo ng Kamara ang committee report at Articles of Impeachment laban sa Bise Presidente matapos itong pagtibayin ng House Committee on Justice.
=====
Trending
- Hunyo idineklarang “Judiciary Month” ni PBBM
- ‘Pinas tinanggal ban sa Belgian poultry
- Ping Lacson aminadong naisip mag-resign sa Senado
- Pia Cayetano nangumusta, naka-move on na sa pagiging emosyonal sa Senado
- DOH todo bantay sa mga border ng bansa vs Ebola
- US green card seekers kailangan nang mag-apply mula sa home country
- PBBM, pinalakas ang ugnayan ng Pilipinas sa Global Development Programs
- Jacamos sasabak para sa bakanting WBC Youth World junior fly sa South Africa

