PINAWI ng Malakanyang ang pangamba ng publiko kaugnay sa panukalang P240 fee para sa mga byahero na papasok at lalabas ng bansa.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nananatiling ‘under study’ ang bagay na ito at hind pa inaaprubahan.
Nauna rito, napaulat na planong magdagdag ng Bureau of Immigratuion ng P480 charge sa international passengers. $4 o P240 bawat byahe (one way) o $8 o P480 roundtrip, bahagi ito ng Civil Aviation and Immigration Security Services (CAISS) project.
“Sa ngayon po ito ay proposal pa lamang po according to Commissioner Joel Anthony Viado. So, wala pa po itong anumang desisyon, wala pa pong nararating ito. Ito ay mere proposal,” ayon kay Castro.
“Huwag po munang mag-alala ang ating mga kababayan dahil mas nauna po talaga silang mag-react. Wala pa po ito,” dagdag na wika nito.
Ang panukalang fee ay napaulat na makatutulong na pondohan ang modernisasyon at pag-upgrade sa immigration system para palakasin ang border security atpaghusayin ang serbisyo para sa mga byahero.
Sa ulat, binigyang diin ni Viado CAISS Project ay nananatiling panukala, at hindi pa nalalagdaan o naisasapinal.
Tinuran pa ng BI na patuloy ang gagawin nitong pag-assess sa proyekto, sa pakikipagtulungan sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at ibang stakeholders.
Sinabi ni Castro na dahil ang proyekto ay nananatiling panukala pa rin, hanggang ngayon ay wala pang posisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa usaping ito.
Mayroon aniyang posibilidad na maipagpaliban ito, isinasaalang-alang ang concerns ng publiko sa pagpapataw ng karagdagang fee sa mga byahero sa kabila ng existing budget allocations ng BI.
“Kaya nga po proposal pa lang. So, puwedeng barilin, puwedeng hindi ipatupad, puwedeng hindi matuloy. So, kaya huwag muna tayong maalarma dahil wala pa po talaga ito; it’s just a proposal,” ayon kay Castro.
Trending
- DENR, iimbestigahan ang mga naiulat na earth-balling activities
- PhilHealth, healthcare provider, palalakasin ang Universal Health Care
- 3 tulak tiklo, P13.6m shabu nasamsam sa Zambo
- Salpukan ng 2 trailer trucks: 1 patay
- Bebot huli nang kumubra ng P38m corporate funds
- Tulay sa Maasim winasak ng malakas ng ulan
- Taxi na dugyot, lagot sa LTFRB
- MILF commander pinaulanan ng bala sa loob ng bahay
