Sumipa na sa 138, mula sa 131, ang kaso ng Leptospirosis sa Quezon City simula January 1 hanggang August 4 ngayong taon, kung saan 18, mula sa 16, na ang naitalang nasawi, ayon sa datos na inilabas ng City Health Department.
Sa pinakahuling datos, paglusong umano sa baha ang pinakakaraniwang uri ng exposure sa 7 sa 18 na nasawi o halos 39% ng nasawi dahil sa nasabing sakit.
Ang iba, na-expose naman umano sa maruming tubig, putik, o pagkain at inuming posibleng kontaminado.
Panawagan ng mga health official sa mga residente ng lungsod, magtungo na agad sa pinakamalapig na health center para sa libreng check-up at gamot ang mga residenteng lumusong sa baha, at huwag nang hintayin pa na makaramdam ng mga sintomas ng sakit, gaya ng lagnat, pananakit ng katawan, pamumula ng mata, at iba pa.
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet
