Nananatiling atat si 2004 Athens Olympics boxing silver medalist Amir ‘King’ Khan na makasapakan ang iniidolong si eight-division world men’s pro boxing champion na si Manny ‘Pacman’ Pacquiao.
Kahit tengga sa mahigit apat na taon, nakatanggap ng ilang alok ang Bolton, Greater Manchester-born boxer upang bumalik sa lonang parisukat,magkatsansa pa rin kahit bulinggit kontra Pinoy boxing legend at 2025 International Boxing Hall of Famer.
Wala pa mang plano ang kampo ni Pacquiao, pinangakong pa ni Khan na pagbubutihan ang gagawing ensayo kumpara sa kanyang huling laban sa kababayang si Kell Brook sakaling matuloy ang sukntukan kay Pacman.

“You know the only person I would come back for on a serious note would be Manny Pacquiao. I’ve been asked by YouTubers, KSI, Logan Paul, Jake Paul, but what motivates me is fighting a proper fighter like Manny Pacquiao. A Manny Pacquiao fight would make me train even harder than a Kell Brook fight, because I know how hard I would have to train, he’s an animal you need that push,” aniya nitong Sabado sa TalkSPORT Boxing.

Matagal ng hinihiling ni Khan na makalaban ang isa kina Pacquiao at undefeated-retired Floyd ‘Money’ Mayweather pero walang nagaganap na usapan.

Nakaupakan na ng dating unified WBA at IBF light-welterweight titlist ang mga bigating sina Marcus Maidana, Zab Judah, Paulie Malignaggi, Canelo Alvarez at Terrence Crawford.

Share.