Aabot sa higit P6.9 milyong halaga ng umano’y smuggled na sigarilyo ang nasamsam sa Pagadian City, Zamboanga del Sur nitong Huwebes, Hulyo 16.
Ayon sa Zamboanga del Sur Police Provincial Office, nasabat ang mga sigarilyo sa isinagawang joint law enforcement operation sa Barangay Muricay bandang 1:30 ng madaling-araw.
Narekober sa isang bakanteng lote sa Zone 7 ang 40 master case at 240 ream ng iba’t ibang brand ng sigarilyo matapos makatanggap ng ulat tungkol sa iniwang kontrabando.
Tinatayang aabot umano sa P6,908,000 ang kabuuang halaga ng mga puslit na yosi, batay sa inisyal na pagsusuri ng Bureau of Customs (BOC).
Dinala ang mga nasamsam na sigarilyo sa Pagadian City Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang pinagmulan at may-ari ng naturang kontrabando.
Trending
- Eala dapa kay Anisimova; akyat sa WTA No. 17 ranking
- Baterbonia, Adili inalala bago ang tapatan ng Ateneo Blue Eagles, Fatima Phoenix
- Michael V, may tribute kay Alex Eala
- Ina ni Awra, may breast cancer
- Priscilla, planong bumalik sa showbiz
- Kelot kumakatay at nagbebenta ng aso, arestado
- 3 sangkot sa pananaksak at ikinasawi ng estudyante
- Makapal, masangsang na likido kumalat sa baybayin ng Batangas

