Sinabi ng transport group nitong Sabado na patuloy nitong isusulong ang provisional fare increase upang tugunan ang taas-presyo ng produktong petrolyo.
Sa panayam nitong Sabado, sinabi ni Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) chairperson Liberty de Luna na makukuntento ang kanyang grupo sa P2 provisional fare increase para sa public utility vehicles.
“Kahit piso [na dagdag-pasahe], masaya na kami… Pwede hanggang two pesos… ‘Yung mga traditional jeepney, magiging 15 pesos [ang minimum fare]. ‘Yung mga modern jeep, magiging 17 pesos,” giit niya.
“Kaya provisional [na dagdag-pasahe], para just in case bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo, automatic, bababa kami… Kapag bumalik sa 40/litro ng diesel, dun aalisin ang provisional increase sa pamasahe,” paliwanag pa niya.
“Ngayon, dahil taas nang taas [ang presyo ng mga produktong petrolyo]… medyo hirap na ang driver at operators [kaya]kailangan talagang humingi ng dagdag na provisional na 2 pesos para sa dagdag na pamasahe,” patuloy niya.

Share.