PINABULAANAN ni New Bilibid Prison (NBP) Superintendent Gary Garcia ang mga ulat sa nakalipas na dalawang linggo na walang tubig sa pambansang piitan kung saan sinisingil umano ang mga persons deprived of liberty (PDLs) para sa kanilang suplay ng tubig.
Ipinaliwanag ni Supt.Garcia na, gaya ng inihayag ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. sa panayam sa media noong nakaraang linggo, kasalukuyan pa ring kinukumpuni ang mga water pump ng piitan. matugunanx
Para masolusyunan ang kakulangan, bumibili ng karagdagang tubig ang BuCor mula sa Maynilad.
Binigyan linaw din niya, na ang tubig na galing sa Maynilad, gayundin ang tubig na ibinibigay sa pamamagitan ng fire trucks ng BuCor, ay libreng ibinibigay sa mga PDL. Sabi pa nito, sagot ng ahensya ang lahat ng gastusin kaugnay ng suplay ng tubig.
Ang paglilinaw ni Garcia ay kasunod ng lumabas ang mga ulat na pinagbabayad umano ang mga PDL para sa tubig na mariin niyang itinanggi at tinawag na “demolition job” na layong sirain ang kanyang reputasyon.
“I held a dialogue with the PDLs yesterday, and they confirmed that the water supplied by Maynilad and the water delivered by BuCor fire trucks are free of charge because the agency is shouldering the expenses,” ani Supt.Garcia.
Aniya, posibleng ganti ang mga alegasyon dahil sa isinasagawang inspeksyon o “Galugad” sa loob ng Reception and Diagnostic Center ng NBP.
Siniguro niya, sa publiko na patuloy na inaayos ng BuCor ang mga water pump ng piitan habang pinapanatili ang sapat na suplay sa pamamagitan ng kasunduan sa Maynilad at paggamit ng mga fire truck ng ahensya.
Sa kabila ng mga alegasyong ibinabato laban sa kanya nanganko si Supt. Garcia na ipagpapatuloy ang internal cleansing sa NBP.
Nakapag-deliver ang Maynilad ng walong beses na tig-10 cubic meters sa RDC, na may kabuuang 80 cubic meters simula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 1,2016
Nagsagawa naman ng limang karagdagang delivery ang mga fire truck — tatlo noong Oktubre 30 at dalawa nitong nakalipas na Nobyembre 1.
Iniulat ng RDC na ₱14,538.54 ang gastos kada araw at ₱58,154.16 ang kabuuang gastos para sa apat na araw ng delivery ng Maynilad. (Gina Garcia)

