Nasawi ang dalawang katao kabilang ang misis ng isang barangay chairman at tatlo pa ang nasugatan nang paulanan ng bala ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan ang kanilang sinasakyan behikulo sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Salvacion, Albuera, Leyte nitong Lunes ng umaga.
Kinilala ang mga nasawi na sina Maria Noya Velos, 51-anyos, misis ni Brgy. Salvacion Chairman Walter Taripe at Sherwin Gumop-As, 23; pawang mga residente ng Brgy. Salvacion.
At ang mga sugatan kinilalang sina Daniel Gumop-As, 56 anyos; 18-anyos na si John Carlo Israel Porneto at isa pang 17-anyos na lalaki; pawang nilalapatan ng lunas sa Ormoc District Hospital.
Sa ulat ng Leyte Provincial Police Office (PPO), nangyari ang pananambang sa mga biktima sa mataas na bahagi ng kalsada sa nasabing lugar dakong alas-7 ng umaga.
Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang lulan ang mga biktima ng Toyota Wigo patungo sa población ng Albuera nang tambangan ng mga armadong suspect pagsapit sa nasabing lugar.
Ang dalawang nasawi ay kapwa napuruhan ng mga tama ng bala sa ulo at leeg na siyang agarang kumitil sa kanilang buhay.
Sinabi ni PCol. Celerino Sacro Jr., director ng Leyte Police, nakikipagkoordinasyon na sila sa mga residente sa lugar para sa anumang impormasyon na makakatulong sa pagtukoy sa mga salarin at motibo ng krimen.
Trending
- EJ Obiena nagtapos sa pang-anim na puwesto sa Wanda Diamond League
- US Open inanunsiyo na ang kabuuang premyo na ipapamahagi
- Janella Salvador napiling boses ng ‘How Far I’ll Go’ sa ‘Moana’ concert
- Francine Diaz maldita at suplada?
- SB19 concert mapapanood na sa sinehan
- Sanggol patay nang gumapang at mahulog sa irigasyon
- Bagong silang na sanggol inabandona sa ibabaw ng septic tank
- 19 arestado sa paglabag sa election gun ban sa BARMM
