WALANG nakikitang problema pagdating sa pagkuha ng timbang si reigning World Boxing Council minimumweight champion Melvin “Gringo” Jerusalem habang lumalapit ang mga araw ng ikalawang pakikipagtapat sa tinalong dating kampeon na si Japanese Yudai Shigeoka sa kanilang rematch sa Marso 30 sa Aichi Sky Expo sa Nagoya, Japan.
Naging malaking suporta kay Jerusalem ang mahabang sparring sessions na umabot ng 110 rounds kabilang ang madugong 14 rounds kontra boxing prospect Alex Del Rio, gayundin sa mga kinakailangang southpaw na sparring partners na sina Joebert Dacullo ng Bohol at Philippine-based Japanese boxer Kiyoto Narukami.
Habang lumalapit ang kanilang rematch ay nakukuha na ni Jerusalem ang tinatarget na timbang na unti-unting bumababa ng isang libra kada araw, na kanilang sinusunod ayon sa kautusan ng WBC na kinakailangang may lampas nang bahagya sa limang libra, 15-araw bago ang pormal na timbangan.
“Umabot na kami sa peak, pababa na iyung bigat ng laro niya. May natitira pa sanang sparring pero binawasan na. Suwabe naman ang pagkuha niya ng timbang kaya tingin ko walang magiging problema pagdating namin ng Maynila,” wika ng coach ni Jerusalem na si Michael Domingo sa Abante Sports na makakasama pagdating ng Maynila para dumalo sa 2nd Pacquiao-Elorde Boxing Awards “Banquet of Champions” matapos gawaran bilang “Co-Boxer of the Year” sa darating na Huwebes sa Okada Manila Hotel and Casino sa Paranaque City kasama si IBF mini-flyweight titlist Pedro Taduran.
Naunang sumabak sa ensayo si Jerusalem (23-3, 12 KOs) kasama si International Boxing Federation (IBF) No.1 junior flyweight contender Christian “The Bomb” Araneta sa Omega Boxing Gym sa Cebu, upang masanay sa bugbugan.
Subalit pagkagaling nito sa Nagoya training camp, na hinasa ang kanyang pagkokondisyon mula sa high-intensity at acclimatization sa panahon, nagsimula nang baguhin ang kanyang mga ka-sparring at pinag-aralan na ang makakalabang Hapon.
“Pero siyempre ang plano natin every round kailangan manalo at makalamang pa rin tayo, dahil mahirap ma-decision, lalo na mag-iingat na iyung kalaban. Kaya stick pa rin tayo at huwag masyado pabaya o kampante,” saad ni Domingo.
====
Trending
- Gretchen Ho, binara ang netizen
- Kathryn, may pa-pwet sa kaarawan
- Balitang may anak na sina Louise at Xian, fake news
- Jimuel Pacquiao sasabak sa Abril 19
- Pinay cyclist Shagne Yaoyao 4th placer sa Japan MTB
- Pag-asa sa Pagsagip ng Buhay: Pamana ng Boluntaryong Hepe ng Bumbero
- George Foreman, pumanaw @ 76
- Japan unang bansa na makapasok sa World Cup 2026