Nasawi ang 34-anyos na mekaniko nang madaganan ng sasakyang kinukumpuni sa Barangay Lapasan noong Huwebes ng umaga.
Ayon sa imbestigasyon, nasa ilalim ng isang sports car ang biktima habang nagsasagawa ng pagkukumpuni nang bumigay ang scissor jack na sumusuporta sa sasakyan, dahilan upang bumagsak ito sa kanya.
Isang saksi ang nagsabing nakita pa niyang nagtatrabaho ang mekaniko 6:00 ng umaga bago nalaman kalaunan na naipit ito sa ilalim ng sasakyan.
Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang biktima na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Sinabi ni Police Station 3 Deputy Commander Police Lt. Jose Fajardo III na posibleng hindi kinaya ng jack ang bigat ng sasakyan. Dagdag niya, mababa rin ang naturang sports car na maaaring nakaapekto sa insidente.
Wala namang nakikitang foul play ang mga awtoridad sa nangyari.
Ayon sa kapatid ng biktima, matagal nang mekaniko ang kanyang kapatid kaya hindi nila inaasahang mauuwi sa trahedya ang naturang trabaho.
Posible umanong ilagay muna sa kustodiya ng mga awtoridad ang sasakyan habang nakatakdang mag-usap ang pamilya ng biktima at ang may-ari ng kotse.
Trending
- Norway, itinumba ang Iraq sa pagbabalik sa World Cup
- Anak ni Serena, nagbigay inspirasyon sa Wimbledon
- Pura Luka Vega, pinangunahan komunyon
- Jowa ni Enrique, ‘di pasok sa tipo ng pamilya Gil?
- Donny Pangilinan bet paganapin bilang Rene Baterbonia
- 3 dayuhan huli sa online gaming hub
- Mekaniko pisak sa kinukumpuning sasakyan
- Truck may dalang relief goods , nahulog sa bangin
