Para kay Mariel Padilla, hindi niya kailangan ng maraming kaibigan sa halip ay mga totoong kaibigan lamang.
Sa kanyang Facebook page, ibinida ni Mariel ang kanyang mga “truest friends” kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-42 kaarawan.
“At 42, I’ve realized that I don’t need a lot of friends. I just need the true ones,” sey ni Mariel.
Aniya pa, “Life has a funny way of showing you who your people really are… and at this age, I value that more than ever.”
Sa mga larawang ibinahagi ni Mariel kasama nito ang kanyang mga tunay na kaibigan na aniya’y kanyang “constants”.
“My circle may be smaller, but my heart has never felt fuller,” sey pa ni Mariel. “These are my people. My constants. My truest friends. And I wouldn’t trade them for anything.”
Si Mariel ay patuloy na pinuputakte ng mga basher dahil sa mga kontrobersyal na pahayag dulot ng marubdob na pagtatanggol sa kanyang mister na si Sen. Robin Padilla.
=====
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet
