Sina Dingdong Dantes at Jillian Ward ang pinu-push na makasama ni Marian Rivera sa bago niyang teleserye.
At this point kasi, wala pang sinasabi kung sino-sino ba talaga ang makakaeksena ni Marian sa serye niyang gagawin.
Ang sigurado pa lang ay ang title ng serye na ‘Behind Closed Doors’ at siyempre ang direktor na si Dominic Zapata.
Sabi ni Marian, halos lahat ng kanyang mga iconic role ay dinirek ni Direk Dom, na ninong ng kanyang anak.
“Finally reunited kaming dalawa dito, at masarap siguro na ang mag-direct sa’yo ‘yung kilalang-kilala ka. Sobrang excited ako to work with Direk Dom again.
“Finally, after two years guys, I’m back!” sabi pa ni Marian.
Siyempre, umani agad ng iba’t ibang reaksyon ang karakter na gagampanan ni Marian. May mga netizen na gustong-gusto na agad makita si Marian bilang kabit.
“Excited na ako kay Marian Rivera sa karakter nya bilang mistress kasi puro siya ‘yung bida at mabait at maamo. Ngayon naman kakaiba ‘yung eksena niya, napaka-exciting talaga!”
“Si Marian talaga ang kering-keri na maging kabit, na maganda talaga, na kababaliwan ng kahit na sino.”
“Ang bongga ni Marian, na nasa kabit era na siya, ha! Aba, mapapatunayan na talaga niya na versatile actress siya, na lahat kaya niyang gawin.”
“Dapat maganda rin ang misis, dahil mahirap makatapat ang kabit na tulad ni Marian, ha!”
Trending
- Ateneo tinapos ang 5-game losing
- Warriors, tinalo ang Clippers
- Sofia Trazona ipinagmalaki ‘cocomelon’
- JM De Guzman pakakasalan na si Donnalyn Bartolome
- Marian game maging kabit
- Multicab grinanada: driver patay
- Mekaniko nagrambo bulagta sa engkuentro; paslit nadamay
- Iligal na gawaan ng paputok, sumabog sa Bocaue
