Happy or bitter?
Ito ang gustong alamin ng madlang pipol tungkol sa nararamdaman ni Marco Gumabao ngayong engaged na ang ex-girlfriend niyang si Cristine Reyes.
Engaged na ang aktres sa dating chairman ng National Youth Commission na si Gio Tiongson.
Ani Marco, si Cristine daw ay matagal na niyang kaibigan even before they were an item.
Now off, nananatili pa rin daw silang friends.
Kilala rin daw ni Marco si Gio dahil kaibigan daw ito ng kanyang kapatid na si Michelle back in high school.
Marco believes na isang mabuting tao si Gio, and Cristine is in good hands.
Naniniwala si Marco na worth-loving ang aktres–it’s just that ‘yung sa kanila was not meant to last.
Wala ding sama ng loob si Marco nor bitter feelings toward Cristine.
Aniya: “Sobrang saya ko…tinapos namin ang aming relasyon as friends. Ganoon lang ang buhay.”
Now unattached, naka-focus muna si Marco on his career, health and personal growth.
Trending
- EJ Obiena nagtapos sa pang-anim na puwesto sa Wanda Diamond League
- US Open inanunsiyo na ang kabuuang premyo na ipapamahagi
- Janella Salvador napiling boses ng ‘How Far I’ll Go’ sa ‘Moana’ concert
- Francine Diaz maldita at suplada?
- SB19 concert mapapanood na sa sinehan
- Sanggol patay nang gumapang at mahulog sa irigasyon
- Bagong silang na sanggol inabandona sa ibabaw ng septic tank
- 19 arestado sa paglabag sa election gun ban sa BARMM
