Trahedya ang sinapit ng isang mag-asawa matapos makuryente sa kanilang piggery sa Sitio Mahabang Parang, Barangay Malaruhatan, Lian, Batangas noong Biyernes, Agosto 14.
Batay sa Lian Municipal Police Station, unang nakuryente ang 60 taong gulang na si Clemente Mendoza habang inaayos ang electrical wire sa kanilang piggery at aksidenteng nahawakan ang live wire.
Nang subukan siyang tulungan nakuryente rin ang kanyang 59 taong gulang na asawang si Lorena Mendoza.
Agad na rumesponde ang Lian Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at isinugod ang mag-asawa sa Apacible Memorial District Hospital.
Pero, kapwa na silang idinineklarang dead on arrival ng attending physician na si Dr. Michael Patrick Catapang.
Agad namang ipinagbigay-alam sa BATELEC ang insidente at dumating ang mga lineman nito upang masiguro ang live electrical wire at maiwasan ang panibagong aksidente.
====
