Nagtagpuang patay sa kanilang bahay ang isang mag-asawa at kanilang anak sa Dipolog City. Hinihinalang ginamit sa pagpatay sa tatlo ang patalim at kurkuran ng niyog, ayon sa pulisya.
Kinilala ang mga biktima na edad 82 ang ama, 77-anyos naman ang ina, at 38-anyos ang kanilang ng kanilang adopted son.
Sa ulat, natagpuan ang mga bangkay ng mag-anak sa kanilang bahay sa Barangay Turno noong Huwebes, August 20, 2026
Ayon sa pulisya, natagpuan ang bangkay ng mag-asawa sa magkahiwalay na kuwarto, habang nasa sala naman ang katawan ng anak.
Inalis ng mga imbestigador ang posibilidad na pagnanakaw bilang motibo sa krimen dahil walang nakitang palatandaan ng sapilitang pagpasok sa bahay. Wala ring nakitang mantsa ng dugo sa labas.
Ayon sa isang testigo, bago ang insidente nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa at ang kanilang anak.
Gayunman, hindi pa makumpirma kung ang anak ang pumatay sa kaniyang mga magulang bago nito kitilin ang sarili niyang buhay.
Ayon kay Dipolog City Police Chief Lt. Col. Khisna Asaali, patuloy ang pagtatanong sa mga kapitbahay ng mag-anak. May impormasyon umano na may kaunting problema sa pag-iisip ang anak at may pagkakataon na nagagalit kapag hindi nabigyan ng pera ng kaniyang mga magulang.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon tungkol sa kaso.
Trending
- 3 patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital
- 4 wanted tiklo
- Sibilyan empleyado ng SulKud PNP patay sa ambush
- Sekyu ‘di pinasweldo, hinostage ang menor kapitbahay
- 15 guro nasagip sa rumaragasang ilog
- Pulis putol kamay sa taga ng baliw
- Mag-asawa at anak natagpuang patay sa loob ng bahay
- Janine Gutierrez umaming niloko ng boylet
