No show ang adopted children ni Nora Aunor na sina Lotlot, Matet at Kenneth de Leon sa holy mass na idinaos sa puntod ng kanilang ina sa Libingan ng mga Bayani marking her first death anniversary.
Humabol lang doon ang isa nilang kapatid na si Kiko.
Gayunpaman, naroon ang tunay na anak ng Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si lan de Leon.
Ani lan sa ‘di pagdalo ng mga kapatid, mukhang may ibang plano ang mga ito.
And true enough, may sarili palang pamisa na idinaos ang adopted children ni Nora sa St. John Paul I| Parish sa Eastwood, Quezon City.
Sabay ang dalawang misa bilang paggunita sa unang taon ng pagpanaw ni Ate Guy.
Samantala, sa pamisa nina Lotlot, Matet at Kenneth ay ang Diamond Star na si Maricel Soriano ang espesyal na panauhin.
Nabalot ng isyu ang pamisa nina Lotlot et al dahil sa opisyal na pahayag mula sa Estur & Associates, legal consel ng mga ito.
Ayon sa statement, hindi umano kinunsulta si Lotlot kaugnay sa pagkakalunsad ng One Person Corporation (OPC).
Sakop ng OPC ang Nora Aunor Enterprise at Nora Aunor Foundation.
Salungat daw ito sa naging pahayag ni lan.
Ayon din sa abogado nina Lotlot, walang Last Will and Testament na nakalaan kay lan bilang solong tagapamahala o may awtoridad sa estate ng kanilang ina.
Hindi naman daw hinahabol nina Lotlot ang anumang mamanahin nila o may interes sila sa estate ni Nora.
Nagkusa na rin daw si Lotlot na dumistansya makaraang magdesisyon si lan na akuin ang lahat ng responsibilidad sa mga usaping ligal.
Tahimik lang daw sina Lotlot bilang paggalang sa alaala ng ina.
Tiyak na hindi ikinatutuwa ni Nora ang nangyayaring sigalot sa kanyang mga anak.
Sana’y maresolba na ito sa ikakapayapa ng kaluluwa ni Nora Aunor.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init
